Jump to Content

Mas mabilis, mas ligtas, mas madali. Mag-sign in gamit ang Google sa isang pag-tap.

Gamitin ang iyong Google Account para gawing mas ligtas at mas simple ang pag-sign up at pag-sign in, para hindi ka na maghagilap ng mga username at password at madagdagan ang oras mo sa mga app at site na nae-enjoy mo.

May cursor na nagho-hover sa button na Mag-sign in gamit ang Google sa screen ng laptop. Iikutan ng mga icon ng app ang screen. Sa tabi ng laptop, may ipinapakita ring button na Mag-sign in gamit ang Google sa mobile device.
  • Mag-sign in nang walang kahirap-hirap

    Madali at ligtas na gumawa ng mga bagong account o mag-sign in sa iyong mga paboritong app at site nang hindi nahihirapan sa mga username at password.

  • Gumamit ng anumang device

    Gumamit ng walang aberya at pamilyar na experience sa pag-sign in sa lahat ng browser at device na ginagamit mo, kabilang ang iOS at Android.

  • Kontrolin ang iyong mga koneksyon

    Panatilihin ang kontrol mo sa iyong mga app at site sa pamamagitan ng ligtas na pagbabahagi ng impormasyon ng account tulad ng pangalan, email address, at larawan sa profile mo, at pamamahala ng access sa mga Google app tulad ng Drive.

  • Manatiling mas ligtas sa Google

    Huwag nang gumamit ng mga paulit-ulit na password at mahinang pag-sign in. Kapag ginamit ang iyong Google Account para secure na mag-sign in, mas kaunti ang app at site na kailangan mong asahang mag-store ng mga password mo, para manatiling mas ligtas ang iyong data.

Alamin kung paano Mag-sign in gamit ang Google

Walang hirap na i-access ang mga app at site na nae-enjoy mo sa anumang device — lahat ng ito gamit ang iyong Google Account

I-click ang button na Mag-sign in gamit ang Google sa app o site

Pumili ng gagamiting Google Account

Kung unang beses mong gagawin ito, ibahagi ang pangalan, email address, at larawan sa profile mula sa iyong Google Account para mag-sign in sa app o serbisyo
Posibleng humingi ng iba pang impormasyon ang ilang app, tulad ng iyong address o numero ng telepono, na makokontrol mo kahit kailan sa mga setting ng Google Account mo

Magpatuloy sa app o site

Iyon lang at naka-sign in ka na!
Sa susunod, madaling mag-sign in ulit gamit ang Google Account mong ito

May ipinapakitang screen ng pag-sign in sa device. Sa ilalim ng field ng username at password, may opsyong gumawa ng account o Mag-sign in gamit ang Google. Mag-e-expand at lalabas sa screen ang button na Mag-sign in gamit ang Google. Iki-click ng cursor ang button.
Pupunan ng pop-up ang screen ng device. Ipo-prompt nito ang user na pumili ng Google Account para magpatuloy sa app o magdagdag ng ibang account. Pipili ng account na gagamitin ang cursor.
Magbabago ang pop-up para i-prompt ang user na payagan ang Google na i-sign in siya sa app. Iki-click ng cursor ang button na magpatuloy. Sasara ang pop-up at magpapakita ng naglo-load na app sa screen.

Mag-sign in nang mas ligtas gamit ang pinagkakatiwalaang seguridad mula sa Google

  • Naka-default na maging secure

    Nararapat lang na makagamit ka ng mabilis at secure na proseso ng pag-sign in. Nakakatulong ang Mag-sign in gamit ang Google na magprotekta laban sa mga breach sa data dahil sa third party sa pamamagitan ng paglimita sa dami ng lugar na nagso-store ng impormasyon mo online.

  • Ikaw ang may kontrol

    Pamahalaan ang impormasyong pinipili mong ibahagi sa bawat third-party na app at site, at i-update ang iyong mga setting anumang oras mula sa Google Account mo.

  • Idinisenyo para sa privacy

    Hindi gumagamit ang Google ng impormasyon o aktibidad mula sa Mag-sign in gamit ang Google para sa mga ad o anupamang produkto ng Google. Mahigpit kaming nagpapatupad ng mga responsableng kagawian sa data na idinisenyo para igalang ang iyong privacy.

Isang pag-tap lang ang kailangan para sa mga paborito mong app at site